Hinamon ni Aksyon Demokratiko presidential candidate Manila Mayor Isko Moreno ang katunggaling si Vice President Leni Robredo na pabulaanan sa harap ng publiko kung hindi niya tinangkang paatrasin ang ibang kandidato sa pagkapangulo sa eleksyon sa Mayo 9.
Nakadidismaya kasi, ayon kay Moreno, na gustong palabasin ni Robredo na siya lamang ang magaling at may karapatang pamunuan ng bansa.
Hinamon din ni Moreno ang campaign manager ni Robredo na si dating Senador Bam Aquino na pasinungalingan kung hindi totoo na kinumbinsi ang ibang presidential candidates na umatras na sa eleksyon.
Maging ang tagapagsalita ni Robredo na si Barry Gutierrez ay binanatan din ni Moreno at pinatatahimik muna.
Dapat aniyang tumabi muna si Gutierrez at hayaan muna si Robredo na magsalita.
Una nang nanawagan si Moreno kay Robredo na umatras na sa eleksyon sa Mayo 9.