Nagpapasalamat si Presidential candidate Leody De Guzman sa alok ng Commission on Elections (Comelec) na bigyan siya ng seguridad matapos ang insidente ng pamamaril sa Quezon, Bukidnon noong araw ng Martes.
Ayon kay De Guzman, sa ngayon, wala naman siyang nakikitang dahilan para magkaroon ng security personnel.
Katwiran pa ni De Guzman, problema lamang niya ang pagpapakain at transportasyon ng security personnel kung isasama pa sa kampanya.
Hindi maikakaila, ayon kay De Guzman, na kapos siya sa pondo.
Narito ang bahagi ng pahayag ni De Guzman:
WATCH: Ka Leody de Guzman on having security personnel: Salamat pero problema ko ang pagpapakain doon. @radyoinqonline pic.twitter.com/NYvguj6qpX
— chonayuINQ (@chonayu1) April 20, 2022
Matatandaang limang katao ang nasugatan matapos pagbabarilin ang pangangampanya ni de Guzman.