Drilon: Mali na sisihin ako sa pag-veto sa SIM Card Registration Bill

Paglilinaw ni Drilon hindi ‘last minute insertion’ ang probisyon para sa social media registration sa naturang panukala.

“We introduced this in the period of amendments. We had committee hearings wherein we had experts who testified,” diin ni Drilon.

Aniya sa mga pagdinig na dinaluhan ng mga opisyal ng social media networks, sumang-ayon  ang mga ito sa matinding pangangailangan na ang mga ‘trolls’ ay hindi dapat naitatago ang kanilang totoong pagkatao.

Unang itinuro ni Valenzuela Rep. Wes Gatchalian ang ‘last minute insertion’ na dahilan kayat na-veto ni Pangulong Duterte ang panukala ng kanyang kapatid, si Sen. Win Gatchalian.

Si Senate President Vicente Sotto III sinabing mali na sisihin si Drilon dahil aniya ang inayawan na probisyon ng Malakanyang ay natalakay ng husto sa pagtalakay sa panukala.

Dagdag pa ni Sotto, hinimay din ng husto ng joint-congressional committee ang mga probisyon bago ito ipinadala sa Malakanyang para pirmahan ni Pangulong Duterte.

Read more...