Aniya bunsod na rin ito ng pagsigla muli ng ekonomiya dahil sa gumagandang datos ng COVID 19 cases sa bansa.
“Gusto ng lahat ng sektor ng ekonomiya na makabawi mula sa pandemya. Habang pinoprotektahan ng susunod na administrasyon ang mga pangunahing sektor gaya ng agrikultura, dapat din nitong humabol sa mga fast-evolving sector na gaya ng e-commerce at mga digital jobs,” sabi ni Villanueva.
Ginawa ng senador ang pahayag base sa positibong pananaw sa pagnenegosyo mula sa resulta ng Job Outlook Survey na kinomisyon ng Department of Trade and Industry (DTI).
Sa survey, may 86.7 percent high employment growth forecast mula sa mga trabaho na may kinalaman sa e-commerce.
Nabanggit aniya sa survey na maraming bukas na trabaho para sa may digital skills, tulad ng Digital Marketing Specialist, Social Media Specialist, Content Strategist, at Data Analyst.
“Digital skills can be developed through formal education, informal instruction, or training, which makes the digital workforce very dynamic in terms of learning and employment,” dagdag pa ni Villanueva.