Sinabi ni Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, na isang grupo ng mga abogado ang nagbabalak na magsampa ng pormal na reklamo.
Aniya malinaw naman na ang layon ng mga nagpakalat ng pekeng sex video ay idiskaril ang ginagawang pangangampaniya ni Robredo.
Nabatid na ang mga miyembro ng Lawyers for Leni ang nag-alok ng tulong sa pagsasampa ng mga kinauukulang kaso.
“The problem with anonymity on social media is, its very, very difficult to actually find out the true identities of people posting behind anonymous accounts,” sabi pa ni Gutierrez.
Binanggit din nito ang pagkambiyo ng PNP, na unang sinabi na iimbestigahan nila ang video at sumunod ay kailangan diumano na may pormal na reklamo.