Magugunita na sa presensiya nina presidential candidates Ping Lacson at Norberto Gonzalez, nanawagan si Mayor Isko Moreno Domagoso kay Vice President Leni Robredo na umatras na ito sa ‘presidential race.’
Una nang dumistansiya si Lacson sa naging panawagan ni Domagoso sa pagsasabing ang tanging napagkasunduan nila ay inanusiyo na walang aatras sa laban.
Si Gonzalez naman ay humingi na ng paumanhin kay Robredo.
Pag-amin ni Pacquiao, sa kanyang pangangampaniya sa Ilocos Norte ngayon araw, alam niya ang layon ng pressconference kayat nagdesisyon siya na sumama ngunit hindi na lamang siya umabot dahil hindi makababa sa NAIA ang sinakyan niyang eroplano.
Aniya naniniwala siya na kaloob na ng Panginoon na hindi siya umabot sa pressconference at pagdidiin niya, hindi siya sang-ayon na may manawagan na kandidato sa kanyang kapwa kandidato na umatras na sa laban.