Malalim na imbestigasyon sa pag-atake sa grupo ni De Guzman sa Bukidnon, iniutos ng Palasyo

Hinihimok ng Palasyo ng Malakanyang ang mga awtoridad na magsagawa ng malalimang imbestigasyon kaugnay sa insidente ng pamamaril sa sa kampanya ni Presidential candidate Leody de Guzman sa Bukidnon.

Ayon kay acting Presidential spokesman Martin Andanar, hindi dapat makaligtas ang mga salarin sa insidente.

“We urge the local authorities to conduct a thorough investigation and prosecute those behind this dastardly act,” pahayag ni Andanar.

Ayon kay Andanar, walang puwang sa bansa ang karahasan.

“Violence has no place in any civilized society and we condemn the incident in Bukidnon where gunshots were allegedly fired against the camp of Ka Leody de Guzman,” pahayag ni Andanar.

Read more...