Comelec, kinondena ang mga insidente ng election-related violence

Screengrab from Senatorial candidate David D’Angelo’s FB video

Mariing kinondena ng Commission on Elections (Comelec) ang mga napaulat na karahasang may kinalaman sa nalalapit na May 9 elections.

“I condemn the use of violence connected to the May 9, 2022 National and Local Elections,” saad ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan.

Magsasagawa aniya ng imbestigasyon ang komisyon sa napaulat na insidente ng pamamaril sa Bukidnon at Lanao.

“While the Comelec is in the process of investigation, we are offering additional security detail to every presidential and vice-presidential candidates upon their request,” ani Pangarungan.

Sa munisipalidad ng Malabang at Tubaran, sinabi ng Comelec chair na idineklara na sa ilalim ng Comelec control alinsunod sa CBFSC Resolution No. 1 na may petsang March 25, 2022.

Kapwa mayroong kasaysayan ng election-related violence ang nasabing dalawang bayan sa Lanao Del Sur.

“Because of this, swift measures to prevent further outbreak of violence are already in place,” paliwanag ni Pangarungan.

Iginiit nito na walang lugar ang mga insidente ng karahasan sa proseso ng eleksyon.

“This is why the Comelec has been more active in pursuing peace covenants and providing decisive action if threats that disturb a peaceful elections arise,” punto pa nito.

Read more...