Ayon sa Department of Agriculture (DA), base sa datos hanggang 10:00, Martes ng umaga (Abril 19), umabot na sa P1.4 bilyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Soccsksargen at Caraga.
Kabilang sa mga nasira ang bigas, mais, high value crops, livestock at palaisdaan.
Aabot sa 35,258 metriko tonelada ang volume ng production loss sa 17,384 ektaryang agricultural areas.
Nasa 23,188 magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng nagdaang bagyo.
Nagbigay naman ng tulong ang kagawaran sa mga magsasaka.
Tiniyak ng DA na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno, lokal na pamahalaan, at iba pang DRRM-related offices sa epekto ng nagdaang bagyo.