Grupo ni Leody De Guzman, pinaputukan sa Bukidnon

Pinaputukan ng baril ang kampo ni Partido Lakas ng Masa (PLM) Presidential aspirant Ka Leody De Guzman habang nagsasagawa ng pagtitipon sa Quezon, Bukidnon Province araw ng Martes, Abril 19.

Kasama ni De Guzman ang Senatorial candidates na sina Roy Cabonegro at David D’Angelo, at maging ang mga lider ng mga katutubong Manobo-Pulangiyon sa Barangay Butong.

Sa Facebook video ni David D’Angelo, maririnig ang mga putok ng baril laban sa kanilang grupo.

Screengrab from Senatorial candidate David D’Angelo’s FB video

Sa inilabas na pahayag ng kampo ng presidential bet, inirereklamo ng tribo ang pagkamkam sa kanilang ancestral land.

Tinamaan ang ilang lokal na organizer ng mga magsasaka at lider ng tribo dahil sa naturang insidente.

Sa ngayon, kumakalap pa ang grupo ni De Guzman ng karagdagang detalye ukol sa shooting incident.

Read more...