160 pamilyang nasalanta ng #AgatonPH sa Leyte, nabigyan ng ayuda ng PCG

Photo credit: PCG K9 Force

Nakatanggap ng ayuda ang mahigit 160 pamilya na naapektuhan ng Bagyong Agaton.

Isinagawa ng Philippine Coast Guard (PCG) K9 Force ang relief operarations sa Baybay City, Leyte noong Lunes, Abril 18.

Kabilang sa mga natanggap ng mga biktima ang bigas, tubig, at iba pa.

Bahagi rin ng naturang operasyon ang PCG Veterinary Service at City Disaster Risk Reduction and Management Office bilang suporta sa unti-unting pagbangon ng mga residenteng nabiktima ng landslide noong nakaraang linggo.

Photo credit: PCG K9 Force
Read more...