Base sa pagbabahagi ng Alliance of Concerned Teachers – NCR Union, sa kanilang survey sa 9,254 teacher-respondents, 87.6 porsyento ang sumagot na hindi maaasahan ang internet signal para sa pagsasagawa ng sabay-sabay na online classes.
Inilabas ng grupo ang resulta ng survey kasabay ng unang araw nang pagpapatupad ng Memorandum No. 29 ng Department of Education (DepEd) para sa pagpasok na ng lahat ng mga pampublikong guro sa paaralan sa mga lugar kung saan umiiral ang Alert Level 1.
Sinabi ni Union President Vladimer Quetua na iba ang kondisyon sa mga paaralan dahil higit dalawang taon nang isinara ang mga ito dahil sa pandemya.
Bagamat 100 porsyento na ng mga guro ang kinakailangan pumasok sa mga paaralan, isa sa mga pangunahing alahanin ay ang internet signal para sa sabay-sabay nang pagkasa ng online classes.