Northeasterly surface windflow, umiiral sa Hilagang Luzon

DOST PAGASA satellite image

Umiiral ang Northeasterly surface windflow sa dulong bahagi ng Hilagang Luzon, ayon sa PAGASA.

Sinabi ni PAGASA Weather Specialist Ana Clauren na hindi magdadala ang naturang weather system ng malawakang pag-ulan sa anumang bahagi ng Northern Luzon.

Maninipis na kaulapan lamang aniya ang umiiral sa nalalabing parte ng bansa.

Ani Clauren, may posibilidad na makaranas ng isolated rainshowers dala ng localized thunderstorms.

Sa ngayon, walang inaasahang low pressure area (LPA) o bagyo na mabubuo sa teritoryo ng bansa.

Read more...