Ayon sa Department of Agriculture (DA), base sa datos hanggang 8:00, Lunes ng umaga (Abril 18), umabot na sa P725.2 milyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Soccsksargen at Caraga.
Kabilang sa mga nasira ang bigas, mais, high value crops, at livestock.
Aabot sa 41,580 metriko tonelada ang volume ng production loss sa 17,925 ektaryang agricultural areas.
Nasa 19,424 magsasaka naman ang naapektuhan ng nagdaang bagyo.
Nagbigay naman ng tulong ang kagawaran sa mga magsasaka.
MOST READ
LATEST STORIES