Apat na lugar sa NCR, hindi nakapagtala ng bagong kaso ng COVID-19 – OCTA

Photo credit: Dr. Guido David/Twitter

May apat na lugar sa National Capital Region (NCR) na walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 24 oras.

Sa Twitter, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na walang bagong COVID-19 case sa Pasig City, San Juan, Valenzuela City, at Pateros.

Umabot naman sa 72 ang napaulat na bagong kaso ng nakahahawang sakit sa buong Metro Manila noong Linggo, April 17.

Sa nasabing bilang, tig-12 na bagong COVID-19 cases ang naitala sa Makati City, Manila, at Pasay City.

Narito naman ang napaulat na bagong kaso ng nakahahawang sakit sa mga sumusunod na lugar:
– Quezon City (10)
– Parañaque City (8)
– Caloocan City (4)
– Taguig City (4)
– Las Piñas City (3)
– Mandaluyong City (3)
– Muntinlupa City (2)
– Malabon (1)
– Marikina (1)
– Navotas City (1)

Read more...