Nagsimula ang caravan, na pinangunahan ng Filipino Family Club, Inc. (FFCI) at Francis Leo Marcos for Senator Movement, sa Quirino Grandstand.
Panawagan ng mga grupo, bagong mukha naman ang ilagay sa Senado.
“S’ya po ay kasalukuyang nakakulong ngunit sa kabila ng kanyang kalagayan at pinagdadaanan ngayon ay hindi po ito naging hadlang sa kanyang mithiin na makapaglingkod sa bayan lalung-lalo na po sa mga mahihirap at pati na rin sa mga middle income family,” pahayag ng kaniyang tagapagsalita at chief legal counsel.
Dagdag nito, “Tandaan po natin na si FLM ay lumabas sa panahon ng pandemya at nagbigay ng ayuda at mga saku-sakong bigas sa mga nagugutom na mga pamilyang Pilipino. Nakita n’ya ang kahalagahan ng agrikultura at pagkain kaya ipinapangako ni FLM na kapag s’ya ay nahalal sa Senado ay walang pamilyang magugutom.”
Tumatakbo sa pagka-senador si Francis Leo Marcos, na nakilala matapos mag-viral ang kaniyang “Mayaman Challenge” video sa social media.
Nasangkot din ito sa isyu ng scam, ngunit mariin itong pinabulaan ng kaniyang grupo.