Ginawa ang survey sa ilalim ng basehan ng mga dahilan para iboto ang isang political candidate at kabilang dito ang kakayanang tumulong sa ibang tao, ang sipag sa pagtatrabaho, ang kapasidad na intinidihin ang mga pinagdadaanan ng mahihirap, talino, katapanan, tibay ng loob, pananampalataya, ang hindi pagiging isang tradisyunal na politiko, ang kakayanang magbigay ng inspirasyon, at marami pang iba.
Sa panandaliang paghinto ng kampanya dahil sa Semana Santa, pinasalamatan ni Atayde ang volunteers sa kanilang suporta, at idiniin nito na itutuloy niya ang pagkalat ng impormasyon sa mga botante ukol sa mga plano niya para sa distrito sa halip na sumagot sa negatibong pangangampanya.
Ibinunyag ni Atayde na ilan sa kanyang mga tagasuporta ang nagsabi sa kanya na mayroong black propaganda na umiikot tingkol sa kanya matapos lumabas sa survey na nangunguna siya sa congressional race sa QCD1.
“Hindi ko na po pinapansin ang mga anonymous na naninira sa akin; my focus is to inform the voters about what I plan to do for the district,” sabi ni Atayde.
“Right now what the families of QCD1 needs is H.E.L.P., not black propaganda. Hindi po nakakatulong ang black prop. Ang kailangan po nga taga-Distrito Uno ay tulong, hindi tsismis.”
Ayon kay Atayde, ang H.E.L.P. ang kumakatawan sa kanyang plataporma at mga programa para sa QCD1: “Health, Education, Livelihood, at Peace and order.”
“Based on our conversations and discussions with the residents of the district, these are the top concerns in the area, kaya ito po ang ating tutukan,” paliwanag ni Atayde. “When we resume the campaign after the Holy Week break, we will start discussing the specifics of these programs, but definitely, these will center on providing H.E.L.P.”
Nang nag-file ng kandidatura si Atayde nuong October 2021, mayroon na siyang aid distribution programs bilang tugon sa COVID-19 pandemic, at dito niya naintindihan ang iba’t ibang klase ng tulong na kailangan ng distrito.
Para kay Atayde, bilang representante ng distrito sa Kongreso, pagtutuunan niya ng pansin ang pakikipag-trabaho kasama ang mga national agencies ay pati na rin ang lokal na gobyerno ng QC upang makapagbigay ng livelihood opportunities; upang ayusin ang problema sa pampublikong transportasyon; upang pagibayuhin ang health care; at upang palawakin ang educational assistance sa mga kabataan ng QCD1.
“I am grateful that the survey shows that I am leading but I urge for voters to be vigilant and responsible,” ayon kay Atayde. “We still have several weeks until the day of the elections and we should not be complacent just because of favorable survey results. There is still much work to be done. We all have to work hand in hand in ensuring that a clean and honest elections will happen come May 9. Huwag po nating pabyaang nakawin ang ating boto.”