Kasunod ito nang dalawang linggo na magkasunod na pagtapyas sa presyo ng krudo, gasolina at kerosene.
Tataas ng P1.70 ang kada litro ng diesel ng Shell, Seaoil at Cleanfuel. Madadagdagan naman ng P0.45 ang kada litro ng gasolina at P0.45 din sa bawat litro ng kerosene.
Magbabago ang presyo ang Shell ng ala-6 ng umaga, samantalang alas-4 ng hapon naman sa Cleanfuel.
Itinuro ang mas mahal na presyo ng inangkat na petrolyo noong nakaraang Huwebes Santo bilang dahilan nang ‘price adjustments.’
Inaasahan na susunod na mag-aanunsiyo ng kanilang ‘price hike’ ang iba pang kompaniya ng langis.
MOST READ
LATEST STORIES