BBM, Tulfo angat sa OCTA Research survey

Nangunguna pa rin si dating Senator Bongbong Marcos Jr., sa presidential race, base sa resulta ng Tugon ng Masa survey ng Octa Research.

 

Sa isinagawang survey noong Abril 2 hanggang 6 na may 1,200 respondents, nakakuha ng 57 porsiyento si Marcos at 22 porsiyento naman ang pumili kay Leni Robredo.

 

May siyam na porsiyento kay Isko Moreno, pitong porsiyento kay Manny Pacquiao at apat na porsiyento kay Ping Lacson.

 

Samantala, sa nasabi din survey, si broadcaster Raffy Tulfo naman ang pinili ng mas marami sa mga nakilahok sa survey sa kanyang 68 porsiyento.

 

Sinundan siya nina dating Sec. Mark Villar (59%), Rep. Loren Legarda (56%), Sen. Migz Zubiri (54%), Sorsogon Gov. Chiz Escudero (50%), at Rep. Alan Peter Cayetano (48%).

 

Pang-pito si Robin Padilla (44%), dating Vice President Jojo Binay (42%), dating Sen. Jinggoy Estrada (42%), at maaring makahabol naman hanggang sa ika-12 at huling puwesto sina  Sen. Joel Villanueva (41%), Sen. Win Gatchalian (39%), dating Sen. JV Ejercito (36%), at Sen. Risa Hontiveros (33%).

 

Read more...