Higit 152,000 nananatili sa evacuation centers

Sa pagbuti ng panahon, unti-unti nang umuuwi ang mga residente na nanatili sa mga evacuation centers matapos ang pananalasa ng bagyong Agaton.

 

Sa  update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NRRMC) na inilabas ngayon alas-8 ng umaga, mula sa 207,572 indibiduwal na nasa evacuation centers kahapon, bumaba na ito sa 158,602.

 

Ang mga natitirang evacuees ay nasa 837 evacuation centers sa Region 5, Region 6, Region 7, Region 8, Region 10, Region 11, Region 12, CARAGA, at BARMM.

 

Nanatili naman sa 172 ang bilang ng nasawi, gayundin ang nawawala na 110.

 

Nadadaanan na rin ang 251 kalsada at pitong tulay, na pawang napa-ulat na pansamantalang isinara.

 

Sa 72 lungsod at bayan na nawalan ng suplay ng kuryente, 12 sa mga ito ang may-kuryente na, samantalang nanatiling walang suplay ng tubig sa tatlong lungsod at bayan.

Read more...