Ginebra tumabla sa Meralco, 2 -2 sa PBA Governors Cup Finals

Kapwa nagtala ng tig-27 puntos sina Justine Brownlee at Scottie Thompson para maitabla ng Barangay Ginebra sa 2 -2 ang serye kontra Meralco Bolts.

 

Bago ang laro, tinanghal na PBA Season 46 Governor’s Cup’s Best Import at Best Player of the Conference sina Brownlee at Thompson.

 

Dikit ang laban hanggang sa pagtatapos ng ikalawang yugto at tabla sa 41 ang iskor.

 

Ngunit nag-init sina Brownlee at Thompson sa ikatlong yugto sa kanilang 23 puntos at pagpasok ng huling yugto ng laban ay umabot pa sa 20 puntos ang kalamangan ng Ginebra.

 

Nagawa pang maibaba ng Meralco ang kalamangan ngunit kumamada ng plays si LA Tenorio hanggang sa maitakas na nila ang panalo.

Sa Pasko ng Pagkabuhay na isasagawa ang Game 5 ng serye.

Read more...