Pumalo na sa 501.21 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 501,215,485 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 82,133,342 cases.
Sumunod na rito ang India na may 43,038,016 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 30,183,929 naman ang kaso sa Brazil habang 27,163,629 ang napaulat na kaso sa France.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Germany – 22,936,514
– United Kingdom – 21,679,280
– Russia – 18,030,579
– South Korea – 15,830,644
– Italy – 15,404,809
– Turkey – 14,972,502
– Spain – 11,662,214
– Vietnam – 10,272,964
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,210,094 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 451,425,844 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.