Nagsimula na ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa pag-aayos sa mga nasirang linya ng kuryente matapos ang pananalasa ng Bagyong Agaton.
Ayon sa NGCP, nasira ang apat na steel tower sa Visayas region.
Matatagpuan ang steel tower sa Brgy. Bunga, Baybay, Leyte, na nagsusuplay ng kuryente sa Ormoc-Maasin 138kV line.
Ang naturang lugar ang naapektuhan ng mga landslides.
Ayon pa sa NGCP, 13 line gangs o mahigit 100 line personnel ang nakakalat na ngayon sa mga lugar na nasalanta ng bagyo at nagsasagawa ng clearing at restoration works sa tatlong tower sites.
MOST READ
LATEST STORIES