10-Point Policy Agenda para sa COVID 19 recovery inilabas ng Malakanyang

Naglabas na ng kautusan ang Malakanyang sa lahat ng mga ahensiya at tanggapan ng gobyerno na sumunod sa inaprubahang 10 Point Policy Agenda ng Inter-Agency Task Force (IATF) para sa pagbangon ng bansa sa pandemya.

Kabilang sa 10-poiny policy agenda ang paggamit ng metrics sa pagtatakda ng alert level system sa bansa, tuloy-tuloy na pagbabakuna, pagkakaroon ng matatag na healthcare capacity, pagpapalakassa ekonomiya at mobility, pagbubukas ng klase sa mga paaralan, masiglang domestic at international travel, digital transformation, pandemic flexibility bill at medium-term preparation for pandemic resilience.

Inaatasan ang lahat ng local government units (LGUs) na sundin ang naturang polisiya.

“The National Economic and Development Authority shall ensure and monitor the compliance of government agencies with the Ten-Point Policy Agenda on Economic Recovery and shall periodically report the same to the President through the Office of the Executive Secretary,” ani Andanar.

Sabi pa niya; “Meanwhile, upon the recommendations of the Sub-Technical Working Group on Data Analytics, workplaces shall continue reporting COVID-19 cases to their respective Local Epidemiology and Surveillance Units pending the completion of the pilot implementation of the sentinel surveillance systems.”

Read more...