Nangyayari na ang pinangangambahan ng mga awtoridad at lokal na opisyal sa pagdami pa ng bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Agaton.
Ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na ang nag-anunsiyo na 43 na ang bilang ng kumpirmadong namatay.
Sinabi ni NDRRMC spokesperson Mark Timbal, 37 sa mga nasawi ay naitala sa Leyte, tatlo sa Central Visayas, gayundin na bilang sa Davao Region.
May pitong katao naman aniya ang nawawala at patuloy na pinaghahanap.
Samantala, 34,583 ang lumikas at nananatili sa 348 evacuation centers.
MOST READ
LATEST STORIES