Usec. Lorraine Badoy, pinasususpinde ni Bernareo sa Ombudsman

Pinasususpinde ni Zena Bernardo sa Office of the Ombudsman si National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson Undersecretary Lorraine Marie Badoy.

Ito ay matapos ang ginawang red-tagging ni Badoy sa anak ni Bernardo na si community pantry organizer Patricia “Patreng” Non.

Base sa complaint-affidavit ni Bernardo, dapat suspindehin ng anti-graft body si Badoy hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa June 30, 2022.

Kinasuhan din ni Bernardo si Badoy ng criminal, civil, at administrative liabilities.

Wala pa namang tugon si Badoy sa hirit ni Bernardo.

Read more...