Bagyong Agaton naging LPA, naglaho – PAGASA

Matapos maging low pressure area (LPA) na lamang ang bagyong Agaton hanggang sa mawala na ito, ayon sa PAGASA.

Bago maglaho kaninang alas-10 ng umaga, huling namataan ang LPA 65 kilometro timog-silangan ng Guiuan, Eastern Samar alas-4 ng madaling araw kanina.

Ngunit inaasahan pa rin ang kalat-kalat na pag-ulan sa Quezon Province, Bicol Region, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon at Visayas.

Base sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 43 na ang kumpirmadong nasawi nang manalasa ang nagdaang bagyon sa Visayas at Mindanao.

Samantala, ang bagyong Malakas ay huling namataan sa distansiyang 1,535 silangan ng Baler, Aurora at kumikilos ito ng hilaga-kanluran palayo na ng bansa.

Read more...