Ayon kay de Lima sa pagbahay-bahay ng kanyang kapatid ay naipaliwanag nito ang mga nakausap sa Caloocan City ukol sa RA No. 11310 o ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), na kanyang iniakda at isinulong sa Senado.
Nabatid na inimbitahan si Vicente ng Kusina ni Leni-Kiko at Bigkis ng PWD Asso., para ipaliwanag ang 4Ps.
Kuwento pa nito na ang kapatid na senadora sa tulong ni reelectionist Sonny Trillanes IV ang nagpursige para mapagtibay pa ang naturang programa.
Sa pamamagitan ng 4Ps ay nabigyan ng conditional cash grants ang maraming mahihirap na pamilyang Filipino hanggang pitong taon.
Ito ay magagamit para sa kanilang pagkain, kalusugan at edukasyon ng mga bata.
“Sabi nga po ng ‘Ina ng 4Ps’ na si Sen. De Lima: ‘Ang 4Ps ay batas na, at hindi mahihinto ang serbisyong natatanggap ng mga benepisyaryo kahit sino ang maupo,” sabi pa ni Vicente.