Ayon sa grupong Marcos Pa Rin at Partido Federal ng Pilipinas, iiwan na nila si Marcos at lilipat na sa grupong Visayas for Isko-Sara Alliance (VISA) para suportahan ang kandidatura ni Moreno at vice presidential candidate Sara Duterte.
Sa manifesto of support na nilagdaan ng dalawang grupo sa Zuri Hotel sa Iloilo City, sinabi na pinili nila ang mas bata at dynamic na si Moreno
Iginiit pa ng dalawang grupo na parehong top performing mayors sina Moreno at Duterte sa kani kanilang lungsod at kapwa may tapang takot sa Panginoon sina Moreno at Duterte.
“Henceforth, (we) commit ourselves to work together and ensure its victory in the May 9 National and Local Elections,” pahayag ng grupo.
Kasama na ngayon ang MPR at PFP groups sa 15 pang grupo na nagtutulak ng VISA o tambalang Moreno at Duterte.
Una nang sumuporta sa tambalang Moreno at Duterte ang SIMBA, Partido Pananghiusa, Inisyatiba Makabayang Pagbabago, Isulong Serbisyo sa Katawhan nga Organisado (ISKO) Alang Isko, Ikaw Muna Pilipinas, Ordinaryong Lungsoranon, Task Force Crusaders, Duterte Riders Team, F4, Samar Group for Isko, CIGOTON, Isko Na Bai, Blue Ladies for Isko at Women for Isko.
Sinabi naman ni Jose Daluz, presidente ng Partido Panaghiusa, na pagmamahal sa bayan ang naging dahilan para suportahan nila sina Moreno at Duterte.
“Isko will be a very good president for the next six years especially if his vice president is Sara Duterte. They’re both Bisaya. We cannot deny that they have done a lot in their cities,” pahayag ni Daluz.