Umakyat na sa P423.8 milyon ang halaga ng mga pananim sa Eastern Visayas at Caraga Region ang nasira dahil sa pananalasa ng bagyong Agaton.
Ayon sa Department of Agriculture, nasa 6,557 na magsasaka ang naapektuhan ng bagyo.
Aabot sa 25,165 metrikong tonelada ng mga produktong agrikultural ang nasira kung saan nasa 10,920 ektaryang sakahan ang naapektuhan.
Ayon pa sa kagawaran, kabilang sa mga nasira ang mga pananim na palay, mais, high value crops at livestock.
Patuloy na nagsasagawa ng assessment ang DA.
Tiniyak naman ng DA na may nakahandang ayuda ang kagawaran sa mga naapektuhang magsasaka.
MOST READ
LATEST STORIES