Tatalakayin ng Commission on Elections (Comelec) en banc ngayong araw ang pagtatalaga ng bagong chairman ng Committee on the Ban on Firearms and Security Concerns (CBFSC).
Ito ay matapos magbitiw bilang chairman ng komite si Comm. Socorro Inting.
Ayon kay Comelec Comm. George Erwin Garcia, susubukan ng komisyon na kausapin si Inting na manatili sa puwesto.
Kung ayaw na aniya ni Inting, maaring magtalaga na ang Comelec ng bagong chairman ng komite.
Una nang nagbitiw bilang chairman ng komite si Inting matapos magpasya ang komisyon na ibigay kay Chairman Saidamen Pangarungan ang pagpapasya ng mga bibigyan ng gun exemption ngayong panahon ng eleksyon.
Hindi inaasahan, ayon kay Garcia, ang ginawang pagbibitiw ni Inting.
MOST READ
LATEST STORIES