Sa inilabas na Memorandum Circular 2019-49, pinaalahanan din ni Año ang mga pulis at kawani ng kagawaran na umiwas sa ‘partisan politics’ ngayon panahon ng eleksyon.
Pagtitiyak nito na sasampahan ng mga kinauukulang kaso base sa Terrorism Financing Prevention and Suppresion Act of 2012, gayundin sa paglabag sa Omnibus Election Code at Revised Penal Code ang mga hindi susunod sa nakasaad sa nabanggit na memorandum circular.
“Tutulong tayo sa pagsasampa ng kaso at pati na rin sa pag-disqualify ng mga kandidato sa sinumang mapapatunayang magbabayad ng permit-to-campaign or permit-to-win fees sa mga grupong [terrorists] ito,’’ sabi pa ng kalihim.
Inanunsiyo din nito na ang Commission on Elections (Comelec) ay maglalabas ng resolusyon para sa pagbuo ng “Task Force Kontra Bigay” (TFKB) kontra pagbili at pagbenta ng boto.