Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang bahagi ng EDSA simula ala-1 ng madaling araw bukas hanggang sa Abril 18.
Ang mga aayusin ay ang sumusunod;
– EDSA-Makati City innermost lane (bus way) Guadalupe Cloverleaf going to Dr. Jose P. Rizal Avenue (malapit sa Guadalupe MRT Station)
– C-5 Road, Makati City
– EDSA-Caloocan SB after Berlin St., (2nd lane mula sa sidewalk), Caloocan City
– Cloverleaf (Chn 000- Chn 199) patungong EDSA SB Quezon City, (Chn 000- Chn 173) hanggang A. Bonifacio SB sa Caloocan City
– C.P. Garcia Avenue bago sumapit sa Katipunan Avenue (3rd lane mula sidewalk)
– EDSA SB Service Road corner 11th Jamboree hanggang Timog Avenue intersection- Timog Avenue corner Kamuning Road, (1st at 2nd block mula sa sidewalk), Quezon City
– EDSA SB bus/truck lane mula sa Pasay/ Makati boundary hanggang Malibay Bridge, Pasay City
– Pasig Blvd. SB, sa Doña Julia Vargas Westbound, sa C-5 Road SB, Pasig City
– EDSA SB Balintawak (pipe laying), Quezon City
Madadaanan naman na ang mga naturang kalsada simula alas-4 ng madaling araw sa Lunes.
Inaabisuhan ang mga motorista na maghanap ng alternatibong madadaanan.