Pumirma sa isang kasunduan ang Urban Poor Federation sa Metro Manila para sa nagkaka-isang suporta kay Robredro, gayundin sa Agri Partylist group.
Sa kasunduan, inisa-isa ng pederasyon ang kanilang mga isyu, partikular na ang National Recovery Program para sa mga maralitang taga-lungsod.
Gayundin ang pagpapadali ng proseso sa mga kinauukulang 16 ahensiya ng gobyerno na may mandato na poverty alleviation, na anila ay talamak sa korapsyon at katiwalian.
Nabanggit din ang pagpapapatayo na lamang ng Department of Poverty Reduction para maging isa na lamang ang ahensya na tutugon sa kahirapan sa bansa.
Nais din nila na magkaroon ng on-site o on-city relocation at ang pag-aaral na amyendahan ang RA 7279 o ang Urban Development Housing Act.
Naniniwala ang grupo na si Robredo ang tutugon agad sa kanilang mga karaingan kayat ito ang kanilang napagpasyahan na iendorso.
Samantala, sa pagpapahayag naman ng suporta sa AGRI Partylist, naniniwala ang pederasyon na ito ang kikilos para sa pagkakaroon ng seguridad sa pagkain sa bansa at para sa kabawasan ng insidente ng kagutuman sa maraming pamilyang Filipino.