Kid Peña naghain ng protesta matapos matalo kay Mayor-elect Abigail Binay

Inquirer file photo
Inquirer file photo

Nagsampa ng electoral protest sa Commission on Elections (Comelec) ang natalong Makati Mayoral candidate na si Kid Peña para tutulan ang pagkapanalo ni Mayor-elect Abigail Binay.

Ayon kay Peña, may mga larawan at ibang ebidesnya siya ng umanoy malawakang vote buying noong araw ng eleksyon.

Dagdag nito, hindi na-credit ng Vote Counting Machines (VCMs) ang ilang boto na para sa kanya.

May mga salaysay umano ang kampo ni Peña ng electoral fraud at massive vote buying. Ilang botante at poll watchers din anya ang na-harass sa botohan noong May 9.

Nais ni Peña na magkaroon ng manual recount ng election results partikular sa ikalawang distrito ng Makati City. Nakakuha naman si Peña ng mas maraming boto kaysa kay binay sa First District ng syudad.

Sa transparency server ng Comelec, nakakuha si Binay ng 160,320 votes kumapara sa 142,257 votes ni Peña. / Len Montano

Read more...