Purisima naglagak ng piyansa sa kasong graft

Alan Purisima / Jan Escosio
Alan Purisima / Jan Escosio

Agad na nagpiyansa si dating PNP Chief Alan Purisima matapos itong maaresto sa NAIA Terminal 3 dahil sa kaso nitong graft na may kaugnayan sa umano’y maanomalyang courier service deal.

Naglagak si Purisima ng piyansang P30,600 sa Sandiganbayan kasama na ang legal fees.

Samantala, nilinaw ng abogado ni Purisima na si Ponciano Corpuz na sumuko ang kanyang kliyente at hindi inaresto ng PNP Criminal Investigation Detection Group (PNP-CIDG).

Kusa anyang bumalik si Purisima sa Manila nang malaman nitong naglabas ang Sandiganbayan ng arrest warrant laban sa kanya.

Sumailalim si Purisima sa booking process kung saan kinunan ito ng mug shot at nag-finger print.

Pero tumanggi itong sumagot sa mga tanong ng mga mamamahayag ay panay ngiti lang pagkatapos magpiyansa./ Jan Escosio, Len Montano

Read more...