LOOK: Mga kanselado at limitadong biyahe sa PITX sa Biyernes Santo, April 15

Magkakaroon ng kanselado at limitadong biyahe sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Biyernes Santo, Abril 15.

Narito ang mg kanseladong biyahe sa Biyernes:
1. Pio Duran, Albay
2. Camarines Norte: Daet at Jose Panganiban
3. Camarines Sur: Naga, Pasacao, Iriga, Balatan, Garchitorena, Buhi
4. Catanduanes: Virac, Bagamanoc, Baras, Viga
5. Sorsogon: Matnog, Pilar, Bulan, Gubat, Sorsogon City
6. Lemery, Batangas
7. San Jose, Occidental Mindoro
8. Quezon: Infanta, San Francisco
9. Saulog trips to Cavite City, Naic, at Ternate

Ayon sa pamunuan ng PITX, may biyahe pa rin sa mga lugar na wala sa naturang listahan, ngunit magiging limitado na ito.

Kaya payo nito sa mga indibiduwal na nais umuwi ng probinsya, tiyaking makakabiyahe sa Miyerkules Santo, Abril 13, o sa Huwebes Santo, Abril 14.

Sa ngayon, normal pa ang operasyon ng public transport companies kasabay ng patuloy na pagdagsa ng mga pasahero.

Read more...