WATCH: IM Pilipinas, buo pa rin ang suporta kay Isko Moreno

Photo credit: IM Pilipinas

Mananatili ang suporta ng Ikaw Muna (IM) Pilipinas kay Aksyon Demokratiko presidential candidate Manila Mayor isko Moreno.

Ito ay kahit na lumipat na ng suporta ang ilang miyembro nito kay Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Philip Piccio, secretary-general ng IM Pilipinas, solido pa rin ang suporta ng pinakamalaking national volunteer organizing network kay Moreno.

Tuloy aniya ang kanilang hanay sa pagsasagawa ng regular na community service para matulungan ang mga nangangailangang Filipino, gaya ng pakiusap ni Moreno na bigyan ng tulong ang mga naapektuhan ng pandemya sa COVID-19 at pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

“We are maintaining what we have started ever since the day that Yorme Isko has decided to le hiscandidacy for president… we are still going strong as our members continuous to grow in all regions of the country,” pahayag ni Piccio.

“Mas marami na po tayo ngayon, in terms of membership, na nagsasagawa ng mga programang nagbibigay ng tulong direkta sa ating mga kababayan,” dagdag ni Piccio.

Tuloy din aniya ang kanilang programa kahit matapos na ang eleksyon sa Mayo 9.

“We will continue with our programs beyond the May 2022 national polls dahil hindi tumitigil ang pangangailangan ng ating mga kababayan upang makatawid sa mga hamon ng araw-araw na buhay… tatapusin natin ang karera kaagapay at kasama ni Yorme Isko Moreno!,” pahayag ni Piccio.

Partikular na ginagawa ng grupo ang “ISKOwentuhan sa Barangay,” isang weekly community service program kung saan naka-focus sa sectoral organizations at ipinapaliwanag ang mga programa ni Moreno.

Sinabi naman ni IM Pilipinas Central Luzon regional head at Pampanga Board Member Jun Canlas na sa kabila ng mga hamon sa mundo ng pulitika, patuloy na dumadami ang sumusuporta sa kanilang grupo sa buong bansa.

“Sa panahong ito ng pagkakawatak-watak bunsod ng eleksyon, kailangan pa rin ang pagkakaisa sa ating mamamayan upang manatiling malakas sa pagharap sa magkakasunod na mga pagsubok. Tao talaga dapat ang una sa lahat,” pahayag ni Canlas.

“Sa ating pag-ikot sa buong bansa upang direktang iparating ang programa sa tao ramdam natin ang lumalawak na suporta ng ating mga kababayan kay Yorme Isko,” dagdag ni Canlas.

Buo aniya ang suporta ng grupo kay Moreno.

“Nararamdaman po natin ang totoong suporta mula sa ating mga kababayan na katulad natin nagnanais na maghalal ng isang pangulong tapat sa tao at ito ay si Yorme Isko Moreno… tuloy-tuloy lang tayo at matatag na magbibigay ayuda sa mga nangangailangan,” pahayag naman ni IM Pilipinas Region 2 head Sherwin Bariuan.

Narito ang bahagi ng pahayag ng naturang grupo:

Read more...