Bahagi ng Juan Luna Elementary School sa Maynila, nasunog

Juan Luna Elementary School / Chona Yu
Juan Luna Elementary School / Chona Yu

Tinupok ng apoy ang bahagi ng Juan Luna Elementary School sa Sampaloc Maynila.

Nagsimula ang sunog bago mag alas 2:00 ng hapon sa nasabing eskwelahan na matatagpuan sa kanto ng Loyola Street at P. Noval Street.

Ala 1:56 ng hapon nang itaas sa 2nd alarm ang sunog.

Ayon sa Manila Fire Bureau, sa library ng paaralan nagsimula ang apoy.

Agad namang nakontrol ang sunog at alas 3:10 ng hapon nang ideklara itong fire out.

Inaalam pa kung ano ang pinagsimulan ng pagsiklab ng apoy./ Chona Yu

Read more...