Dagdag na street lights at pagpapaganda sa footbridges, tututukan sa QC

Para mas maging ligtas ang publiko, dadagdagan ng Quezon City government ang paglalagay ng street lights at pagagandahin pa ang mga footbridge sa lungsod.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, dadagdagan pa ng lokal na pamahalaan ang bike-friendly ramps.

Base kasi aniya sa pag-iinspeksyon ng city engineers, marami sa mga footbridge ang kinakailangan na sumailalim sa rehabilitasyon at kailangang lagyan ng street lights. Nasa 2,500 hanggang 3,000 lamp posts ang ilalagay sa lungsod sa susunod na walo hanggang 10 taon.

Ayon kay Belmonte, pagagandahin din ng lungsod ang mga daanan sa pamamagitan ng paglalagay ng plant boxes.

“We have seen how useful our GORA lanes and bike lanes are to the people, not just the residents but to everyone who uses them,” pahayag ni Belmonte.

“That is also the reason why the city proposes to enhance and rehabilitate more so we can provide better walkways and more green open spaces in our city, after all, Quezon City is home to most of the green spaces in Metro Manila,” dagdag ng mayor.

Read more...