Ilang residente sa Capiz, Iloilo sinagip dahil sa pagbaha dulot ng #AgatonPH

Kaliwa’t kanan ang ikinakasang rescue operations ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Agaton.

Sa Sigma, Capiz maingat na isinakay sa rescue boat ng mga tauhan ng PCG Station Capiz ang mga bata at senior citizen na na-trap sa bahagi ng Poblacion Norte.

Photo credit: PCG Station Capiz/Facebook
Photo credit: PCG Station Capiz/Facebook

Apat na Deployable Response Team (DRT) at karagdagang team mula sa Coast Guard Sub-stations ang rumesponde sa munisipalidad ng Panay, Maayon, Pilar at Panitan.

Patuloy kasi ang pagtaas ng tubig-baha sa nasabing lugar dahil sa walang tigil na pag-ulan.

Photo credit: Coast Guard Station Roxas/Facebook
Photo credit: Coast Guard Station Roxas/Facebook

Inilikas din ng PCG District Western Visayas ang mga residente sa Puente Bunglas Ajuy sa Iloilo.

Screengrab from Coast Guard District Western Visayas FB video
Screengrab from Coast Guard District Western Visayas FB video

Patuloy naman ang paalala sa publiko na maging maingat sa nararanasang sama ng panahon.

Read more...