Wala nang pulis na positibo sa COVID-19 – PNP

Wala nang pulis na positibo sa COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Base sa tala ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Martes (April 12), ito ay matapos gumaling ang isang pulis sa nakahahawang sakit.

Nasa 48,861 pa rin ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya, habang 48,732 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala ring bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 129 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...