Halos 6.20 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 6,206,066 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 1,012,461.
Sumunod na rito ang Brazil na may 661,389 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 521,723 naman ang death toll sa India habang 371,964 ang napaulat na nasawi sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Mexico – 323,727
– Peru – 212,507
– United Kingdom – 170,107
– Italy – 160,863
– Indonesia – 155,674
– France – 143,466
– Iran – 140,650
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 500,053,278 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 449,915,403 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.