Task force vs vote buying inihirit na buhayin

Hiniling ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Commission on Elections (COMELEC) na buhayin ang Task Force Kontra Bigay (TKFB) para labanan ang mga pamimili ng boto.

Unang pinagana ang task force noong 2019 elections sa mga lalawigan at ngayon papalapit na ang eleksyon ay nais ng DILG na muli itong paganahin sa bawat lungsod at bayan sa bansa.

Nabanggit ni Usec. Jonathan Malaya, ang tagapagsalita DILG, na noong 2019, nakaaresto ang task force ng 356 at nakakumpiska ng P12 milyon na ginamit na ebidensiya sa pagsasampa ng mga kaso.

Binuo ang task force ng Comelec, DOJ, DILG, PNP, AFP, NBI at Presidential Anti-Corruption Commission.

Kasabay nito, binalaan ni Interior Sec. Eduardo Año ang mga kandidato na balak bilhin ang kanilang panalo at hinikayat niya ang publiko na magsumbong at kung maaari ay magsumite ng mga ebidensiya.

Read more...