(Photo courtesy: Army 8ID)
Narekober na sa pagsasagawa ng search and rescue operations ang 21 residente na natabunan ng lupa sa Baybay City, Leyte.
Sinabi ni Police Colonel Jomel Collado, hepe ng pulisya ng lungsod, may anim pang residente ang hinahanap.
Dagdag pa nito, may anim na insidente pa ng pagguho ng lupa sa ibat-ibang bahagi ng lungsod at hindi pa kumpleto ang mga impormasyon na kanilang nakalap.
Sa mga pahayag ng mga residente bago ang pagguho ng bahagi ng bundok sa Barangay Bunga, isang malakas na pagputok ang umalingawngaw na sinundan diumano ng buhawi.
Ngayon araw ay inaasahan na magpapatuloy ang paghahanap sa mga nawawala bagamat nagpapatuloy ang pag-ulan sa lungsod.
Nabanggit din ni Collado na ang trahedya na dala ng bagyong Agaton ay ang kauna-unahan sa Baybay City.
Maraming lugar sa lungsod ang nanatiling lubog sa tubig baha.
Jan.Radyo