Nais ni vice presidential candidate Tito Sotto na magkaroon ng regulasyon sa pagsasagawa ng survey sa panahon ng eleksyon.
Katuwiran ni Sotto sa kanyang hirit, ito ay para hindi magamit sa ‘mind conditioning’ ang mga resulta ng survey.
Sa isang news forum sa Manila Hotel, sinabi pa ni Sotto na kung sususwertehin na manalo ang kanilang senatorial candidates, hiniling niya na gumawa ang mga ito ng panukala ukol sa kanyang nais sa mga survey.
Dagdag pa ni Sotto kailangan ng ‘transparency’ sa paglalabas ng survey results at hindi dapat aniya basta-basta na pinipili ang mga respondents para maiwasan ang pagkokondisyonsa isipan ng publiko.
Kasabay nito, iginiit ni Lacson na hindi siya naniniwala na dalawang porsiyento lamang sa mga sumagot sa surveys ang pumili sa kanyang standard-bearer, si Ping Lacson, lalo na ang resulta na walang pumili sa huli sa mga botante sa Metro Manila.
Base aniya sa pag-iikot nil ani Lacson sa bansa, mainit ang pagtanggap sa kanila ng mga tao.