Kahit gumagapang na ay tatapusin ni independent presidential aspirant Ping Lacson ang sinalihang ‘presidential race.’
“Again: I am not withdrawing. Even if I am left running on one leg, I will finish the race. Even if I am crippled, I will crawl to finish the race,” diin ni Lacson.
Ginawa ni Lacson ang pahayag matapos ibunyag niya na si dating Quezon City Mayor Jun Simon ang lumapit sa kanya sa Pampanga noong Marso 12 at hinikayat siya na umatras na para isulong ang tambalang Leni Robredo – Tito Sotto.
“Last March 12, former Quezon City Mayor Brigido ‘Jun’ Simon Jr. approached me in Pampanga to ask me to withdraw from the presidential race. He told me they can convince Sen. [Francis] Pangilinan to withdraw to give way to the tandem of Vice President Robredo and my running mate, Senate President Tito Sotto,” aniya.
Ngunit sa pakikipag-usap sa kanya ni Simon ay pinutol na niya ito at sinabi na may usapan sila ni Sotto na magkasama nilang tatapusin ang pinasok na laban.
Aniya umalis na si Simon nang ibahagi niya dito na may dalawang pagtatangka na si Robredo na pag-isahin ang kanilang puwersa, ngunit ito ay para lamang sa kanyang sariling kapakanan.
Idinagdag pa ni Lacson na ilang beses nang nagtangka si Simon na kausapin siya ngunit hindi niya inintindi sa katuwiran na hindi niya ito masyadong kilala at abala na siya sa pangangampaniya.