Ayon sa INC, ngayon pa lamang humihingi na sila ng paumanhin sa publiko sa abala na maaring maranasan nila sa kahabaan ng NLEX.
Sa Linggo, simula alas 8:00 ng umaga ay magtitipon-tipon ang mga delegado mula sa iba’t ibang kongregasyon sa bahagi ng Ciudad de Victoria sa Bulacan.
Pamumunuan kasi ni INC Executive Minister Eduardo Manalo ang isang evangelical mission sa Philippine Arena.
Ayon sa INC, maaring makaranas ng heavy traffic sa NLEX dahil sa nasabing event./ Dona Dominguez-Cargullo
MOST READ
LATEST STORIES