Nangangamba ang amnesty international sa balakin ni incoming president Rodrigo Duterte na buhayin ang parusang kamatayan.
Sinabi ni Ritzlee Santos III, chairperson ng grupo, kapag natuloy ang balakin ni Duterte malaking kahihiyan ito sa bansa dahil isa ang Pilipinas sa mga bansang pumirma sa mga kasunduan kaugnay sa pagsusulong ng karapatang pantao.
Iginiit pa nito na hindi naman bumaba ang antas ng krimen sa bansa nang ipatupad ang death penalty hanggang noong 2006.
Idinagdag naman ni Atty. Romeo Cabarde, ang vice chairperson ng grupo, kung may talagang pagbabago na mangyayari sa uupong bagong administrasyon ang dapat mangibabaw ay ang rule of law at hindi ang rule of one man.
Tiniyak ng dalawa na hindi naman sila kontra sa anti-crime campaign ni Duterte ngunit kailangan lang ay matiyak na walang malalabag na mga karapatang pantao./ Jan Escosio