Kampo ni VP Robredo ukol sa umano’y sex video ni Aika: “Malinaw na krimen ito”

Photo credit: VP Leni Robredo/Facebook

“Malinaw na krimen ito”

Ito ang naging pahayag ng kampo ni Vice President Leni Robredo ukol sa umano’y sex video ng kaniyang anak na si Aika.

Sa inilabas na pahayag, tinawag ni Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni VP Leni Robredo, na na isang “malicious fabrication” ang naturang pag-atake, kasabay ng pagtakbo ni Robredo sa pagka-pangulo sa May 9 elections.

Iniulat na aniya ito ng kanilang kampo sa iba’t ibang social media platforms upang mabura.

Pinag-aaralan na aniya ng kanilang mga abogado ang mga opsyon para sa gagawing legal action.

“Our supported should see this for what it is: A distraction,” saad nito.

Dagdag nito, “This is a direct and vile response to the momentum we continue to gain. It won’t yield votes for those who are spreading it.”

Punto pa nito, ang mas malalim na layunin ng naturang pag-atake ay upang inisin ang mga tagasuporta ni Robredo.

“Para awayin natin ang mga tao at hindi tayo maka-convert. Kaya nga ang tamang response dito: Hold the line tayo para sa pag-ibig. Be firm but kind sa pagtatama ng disinformation, kahit gaano ito kawalanghiya,” ani Gutierrez.

Giit pa nito, “Ang paraan para talunin ang mga ganito once and for all: Manalo tayo sa halalan, ayusin ang sistema, at panagutin ang mga nagkakalat nito.”

Naglabas din ng pahayag si Robredo ukol sa pag-atake.

“Best antidote to fake news is the TRUTH. Let us not lose focus. Tuloy-tuloy lang ang paggawa ng kabutihan. This was how I survived the last 6 years,” saad nito sa Twitter post.

Read more...